AXS Boom: An analysis [Filipino]
Maaring nagulat kayong lahat dahil sa biglaang pagtaas ng AXS sa nakalipas na dalawang araw. Maraming mga tao ang hindi nakasabay, or hindi nakabili ng AXS in the past 3 days, bago ito biglang nag pump.
Ngunit ang tanong, papaano at biglang tumaas ang value ng AXS?
Gaya ng lagi kong tinuturo sa lahat ng aking mga taga subaybay at kasama, ang galaw ng AXS at SLP ay kadalasang bumabase sa galaw ng mga sumusunod:
Sa paanong paraan?
Mapapansin ninyo na kung tumataas or bumababa ang AXS / SLP , “HINDI TUMATAGAL”, ito ay dahil WALA PANG BURNING MECH ang Axie Infinity. Kumbaga, halos lahat ng transaction ay palabas, dahil sa overminting ng SLP dulot ng mga players. Wala namang masama doon, except syempre, kung mas mataas ang % ng pag mint ng SLP , or paglabas ng pera, kaysa sa % ng pagpasok ng investors, new players, or new updates.
Sa madaling salita, yung mga taong nagbebenta/bumibili ng slp ang kadalasang nagpapagalaw ng vlaue ng SLP , isama na rin natin si BTC (dahil mostly ang galaw ng lahat ng altcoins connected kay BTC ), at mga guilds, dahil sila ang maraming hawak na scholars at nagpapa pay out.
During March 23, nakuha natin ang pinakamababang value ni AXS , dahil yan ang tinatawag na “Post End Season”, na kung saan kakatapos palang ng season at nag uunahan ang mga tao na MAG WITHDRAW at HARVEST ng SLP at AXS dahil sa takot na “baka bumaba bigla”.
Ito ay isang napakalaking opportunity para sa mga whales at traders dahil gaya nga ng sabi ko, ito ang lowest point ni AXS .
Ano ang resulta? Ang mga taong ito ay nag MASS BUY ng AXS /SLP at hinold nila ito. Maaalala ninyo, ito rin ang panahon kung kailan naglabas si Axie Infinity ng bagong update regarding EAR CARDS. Kung kaya’t nagkaroon ng “hype” kung saan apektado ang FEELINGS ng traders/public that affects their actions.
‘Huwag magpapadala sa emosyon. Emosyon ang puno’t dulo ng mga naiipit sa trade, at natatalo. Timbangin ang kaalaman. Mag research, manigurado.

